Balita

Rider, dedo sa aksidente

- Liezle Basa Iñigo

MALASIQUI, Pangasinan – Patay ang isang rider habang malubhang nasugatan naman ang anak nito nang sumemplang ang minamaneho­ng motorsiklo sa Barangay Calbueg, Malasiqui, Pangasinan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng mga awtorida ang nasawi na si Nelson Furio, 41, ng Bgy. Balagan, Binmaley ng nabanggit na lalawigan, dahil sa pinsala sa ulo nito.

Agad na dinala sa pagamutan ang anak na si Jasper John Furio, 21, na huiling naiulat na nasa kritikal na kondisyon dahil sa pinsala at mga sugat sa katawan.

Pauwi na umano ang mag-ama sakay ng motorsiklo habang binabagtas ang national highway nang mawalan ng kontrol ang driver matapos iwasan ang isang aso, dakong 7:45 ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines