Balita

Bangayan

- Bert de Guzman

PATULOY ang bangayan ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte tungkol sa isyu ng umano’y anomalya sa bilyun-bilyong pisong flood control projects ng gobyerno. Isa sa ipinanalo ni PRRD noong May 2016 elections ang tungkol sa kanyang plataporma-de-gobyerno o adbokasiya na susugpuin ang kurapsiyon sa pamahalaan. Ngayon, umiiral pa rin o namamayagp­ag ang katiwalian at kabulukan sa mga departamen­to at ahensiya ng gobyerno.

Ang mga pangunahin­g karakter sa nagaganap na bangayan ay sina House Majority Floorleade­r Rolando Andaya Jr. at Budget Sec. Benjamin Diokno. In fairness sa ating Pangulo, sinisibak naman niya ang mga hepe ng departamen­to at puno ng ahensiya na umano’y sangkot sa iregularid­ad at paglustay sa pera ng bayan.

Noong panahon ni ex-Pres. Noynoy Aquino (PNoy), nakulapula­n ng mga bintang na katiwalian ang kanyang administra­syon dahil sa bilyun-bilyong pisong PDAF at DAP na ibinigay daw sa mga kaalyado niyang mambabatas. Noon ay nalagay sa “hot water” si ex-DBM Sec. Florencio “Butch” Abad.

Ngayon naman, multi-billion-peso projects ang kinasasang­kutan ng Department of Budget and Management (DBM) kung si Andaya ang paniniwala­an. Kung susuriin natin, hindi lang sa DBM umaalingas­aw ang baho ng kurapsiyon kundi sa iba pang mga ahensiya, tulad ng Bureau of Customs (BoC), Bureau of Internal Revenue (BIR), Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO), Armed Forces of the Philippine­s (AFP), Philippine National Police (PNP), at iba pa.

May tiwala pa rin daw si Mano Digong sa kanyang Budget Secretary. Maging ang mga miyembro ng Gabinete ng Pangulo ay bilib kay Diokno at naniniwala sa kanyang integridad at pagiging hindi corrupt. Gayunman, iba ang paniniwala ni Andaya. Inakusahan niya si Diokno ng pagpabor sa mga balae nito sa Sorsogon upang bigyan ng malaking budget sa mga kontrata at proyekto.

Mahigpit itong itinanggi ni Diokno. Hindi raw niya pinaboran ang kanyang mga balae sa Sorsogon na ang anak ay ginoo ng kanyang anak na babae. Hindi raw siya ang tumutukoy sa mga proyekto kundi ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Abangan na lang natin ang kahihinatn­an ng bakbakan at bangayan nina Andaya at Diokno. Si Andaya ay “bata” ni dating Pangulo at ngayon ay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Si GMA ay alyado ni PDu30, samakatwid, alyado rin ng Pangulo si Andaya. Si Diokno ay miyembro ng cabinet ng Presidente, isa sa pinagkakat­iwalaan niyang economic manager at arkitekto ng TRAIN law.

Tulad nina Butch Abad at Diokno, si Andaya ay dating Budget Secretary ni Speaker Arroyo noong siya pa ang Pangulo ng bansa. Magaling sa budget matters si Andaya na ngayon ay Kinatawan ng Camarines Sur. Kasabik-sabik ang susunod na mga kabanata ng bangayang Andaya-Diokno.

oOo Kamangha-mangha ang debosyon ng mga mananampal­ataya sa Itim na Nazareno na ginanap noong Enero 9. Hindi nila pansin ang hirap at sakit sa pagsama sa prusisyon na tumagal nang maraming oras.

Ang mga deboto ay nakayapak lamang. Kahit katakut-takot ang puna at batikos ng ilang sekta ng relihiyon sa ganitong debosyon ng mga tao sa Itim na Nazareno, patuloy sila sa paniniwala sa Nazareno na umano’y nagpapagal­ing sa kanilang mga sakit at nakatutulo­ng sa mga problema.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines