Balita

Patuloy na pangangala­ga sa ilog ng Angono

- Clemen Bautista

ISA sa daluyan o agusan ng tubig sa Angono, Rizal ay ang ilog. Sa nakalipas na ilang dekada, ang ilog ng Angono ay ipinagmama­laki ng ibang taga-Angono sapagkat malaking tulong ito sa mga mamamayan. Sa mga mangingisd­a sa Laguna de Bay, naipapasok nila ang kanilang mga bangkang pangisda. Naigaganto­ng sa ginawang gantungan na nasa tabi ng ilog matapos mangisda.

Sa ilog din ng Angono nakapaglal­aba ng mga damit ang mga ginang ng tahanan sapagkat malinaw at malinis ang tubig na umaagos dito

patungo ng Laguna de Bay. Ang tubig sa ilog ng Angono ay nagmumula sa bundok.

Sa nag-aalaga ng mga itik noon sa Angono, ang tubig sa ilog ng Angono ang isinasalok ng mga nag-aalaga ng mga itik. Inilalagay sa batya na may mga susong pagkain ng mga itik. Ang pagaalaga ng mga itik ang isa sa pangunahin­g hanapbuhay ng mga taga-Angono at ng iba pang mga taga-Rizal na nakatira sa tabi ng Laguna de Bay. Hindi problema ang pagkain ng mga itik sapagkat maraming suso na nakakahig o nakukuha sa lawa at maraming hipon ang nahuhuli sa sakag.

Ang mga suso at hipon na isinasama sa sapal ng niyog at darak ang pagkain ng mga itik. Ayon sa mga nag-alaga ng mga itik sa Angono, marami ang gumanda ang buhay dahil dito. Napagtapos nila sa kolehiyo ang mga anak at nagkaroon ng magandang trabaho at hanapbuhay.

Sa paglipas at pagbabago ng panahon, ang pag-aalaga ng mga itik ay nanamlay na hanapbuhay. Isa sa mga pangunahin­g

dahilan ay ang pagtaas ng presyo ng mga suso at hipon. Sa ngayon, may mga tagaRizal na nag-aalaga pa rin ng mga itik lalo na ang mga nakatira malapit sa tabi ng Laguna de Bay.

Patuloy naman ang pangangala­ga ng pamahalaan­g bayan ng Angono sa ilog. Nakinig na rin ang mga nakatira sa tabi ng ilog na huwag magtapon ng basura sa ilog. Nasanay na ang mga itong ilagay ang kanilang basura sa isang sisidlan bago itapon sa araw ng pagkuha ng basura ng mga trak na lumilibot sa baya. Natatandaa­n ng inyong lingkod na noong wala pang sistema ang mga dike ang tabi ng ilog, sa panahon ng tag-ulan kapag nagkaroon ng baha, ang tubig-baha mula sa ilog ay umaapaw at umaagos sa mga kalsada sa loob ng bayan. Pumapasok din ang tubig-baha sa silong ng bahay at sa unang palapag ng mga bahay na nasa tabi ng karsada.

Malaking perhuwisyo ito sapagkat inaabot sila ng kalahating araw bago maalis at malinis ang putik na iniwan ng baha na

lampas-bukung-bukong. Kung minsan, kapag matagal ang baha, ang naiwang putik ay hanggang binti.

Mabuti na lamang at nalutas na ito sa pamamagita­n ng programang pinangunah­an ng dating gobernador at congressma­n ng Rizal. Ngayon ay may dike na ang tabi ng ilog sa Angono. Kung tag-ulan at nagkaroon ng baha, mabilis at tuluy-tuloy na ang agos ng tubigbaha papuntang Laguna de Bay.

At upang lalong maging mabilis ang agos ng tubig-baha patungo sa lawa, ang bukana ng ilog ng Angono sa tabi ng Laguna de Bay ay pinaluwang. Bunga nito, naiwasan ang pag-apaw ng tubig kapag nagkakaroo­n ng pagbaha.

At upang patuloy na maiwasan ang pag-apaw ng tubig-baha sa mga kalsada sa bayan, ngayong tag-araw ay patuloy ang ginagawang paghukay at pagpapalal­im ng ilog sa Angono.

Nagpapasal­amat naman ang mga residente sa lugar sa ginagawang aksiyon ng lokal na pamahalaan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines