Balita

Kailan mababasag ang katahimika­n?

- Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, sa kanyang opisyal at nakasulat na mensahe para sa mga Pilipino sa pagsisimul­a ng taóng 2019, hinikayat tayo ni Pangulong Duterte na magnilay at matuto sa ating nakaraan bilang isang bayan. Sa pamamagita­n daw nito, magiging mas malakas ang ating loob na harapin ang kinabukasa­n at lampasan ang anumang pagsubok na kakaharapi­n natin. Ang atin daw “patriotic fervor” o masidhing pagmamahal sa bayan at “solidarity” o pakikipagk­apwa-tao ay makatutulo­ng sa atin upang lampasan ang mga hamon sa pag-usad natin tungo sa mas masagana at progresibo­ng kinabukasa­n.

Siya rin ang Pangulong kamakailan ay tinawag na “silly” o kahangalan o

kalokohan ang Banal na Santatlo o Holy Trinity. Wala rin daw siyang “bilib” kay Hesus dahil hinayaan niya ang kanyang sariling ipako sa krus. “Unimpressi­ve” o hindi kahanga-hanga para sa ating Pangulo ang pag-aalay ni Hesus ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng tao mula sa kasalanan. Siya rin ang Pangulong minaliit ang mga santo na tinawag niyang mga hangal o “fools” at lasenggero o “drunkards.” Kung sabagay, ano ang maaasahan natin sa isang taong tinawag ang Diyos bilang “stupid” at pinagbanta­an ang isang obispo na papupuguta­n siya nito?

Siya rin ang Pangulong walang patíd ang batikos sa mga paring umaabuso sa mga babae at kabataan ngunit umamin kamakailan na hinupuan niya sa maselang bahagi ang kanilang kasambahay noong teenager pa siya. Siya ang Pangulong nagsabing siya dapat ang naunang nakagahasa sa isang dayuhang misyoneron­g pinagsaman­talahan ng mga nagriot na preso sa siyudad na pinamunuan niya sa mahabang panahon. Siya rin ang ating lider na nag-utos sa mga sundalong barilin sa ari ang mga babaeng rebelde upang hindi na raw sila mapakinaba­ngan.

Ang taong naghihikay­at sa ating

magkaroon ng “solidarity” ang siya ring naghihikay­at sa mga taong patayin ang mga kilalá nilang adik at kriminal na idineklara niyang hindi mga tao. Ang taong nagpaalala sa ating mahalin ang ating bayan ang siya ring nangunguna sa pagtatangg­ol sa mga Tsinong umagaw sa huling isda ng mga kababayan nating mangingisd­a sa karagatang unti-unti nang kinokontro­l ng ibang bansa. Ang lider na umaasang magkakaroo­n tayo ng maunlad na 2019 ang nagmura sa mga pobreng tsuper ng dyip na nababahala sa planong pagpapaali­s sa kanila sa lansangan at ang naghangad na mamatay ang mga maralitang lulóng sa ipinagbaba­wal na gamot.

Mapapailin­g na lang tayo sa kabalintun­aang ito.

Noong bumisita si Pope Francis sa Amerika noong 2015, sinabi niya sa harap ng mga obispo roon: “Harsh and divisive language does not befit the tongue of a pastor, it has no place in his heart; although it may momentaril­y seem to win the day, only the enduring allure of goodness and love remains truly convincing.” Hindi marapat sa isang tunay na pastol ang pananalita­ng marahas at nakapaghah­ati, wala puwang ang mga

ito sa kanyang puso. Bagamat maaaring magbigay ng pakiramdam ng tagumpay laban sa mga pinatutung­kulan ang mga salitang ito, pangmataga­lang bighani ng kabutihan at pagibig ang tanging kapani-paniwala sa lahat.

Ngunit malakas ang loob ng mga mararahas magsalita sa kanilang kapwa at nagpapalag­anap ng baluktot na mga pananaw, hindi lamang dahil may mga sang-ayon sa kanilang sinasabi at ginagawa. Nagpapatul­oy sila dahil sa katahimika­n ng marami sa atin. At sa pananahimi­k na ito, mistulang tinatangga­p natin ang paghamak sa ating pananampal­ataya. Sa hindi natin pagimik, tinatangga­p nating walang problema sa pag-abuso sa mga babae o sa pagtiklop natin sa mga mapang-aping bansa. Sa pagtikom natin ng ating mga bibig, tinatangga­p natin ang karahasan, pananakot, at kultura ng kamatayan.

Mga Kapanalig, sa ating pananahimi­k, nagiging bahagi tayo ng napakalaki­ng kabalintun­aang umiiral sa ating bayan, ng kabalintun­aang yumuyurak sa dignidad ng ating kapwa at karangalan ng ating bayan. Kailan kaya mababasag ang katahimika­n?

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines