Balita

Play button, inakalang parte ng hairdo

-

Trending kamakailan sa Chinese social media ang isang lalaki, matapos niyang ibahagi ang kanyang “bad hair day”.

Dalawang symbol ng “play button” ang nakaahit ngayon sa buhok ng isang lalaki sa China matapos niyang ipakita sa kanyang hair stylist ang isang paused video ng nais niyang inspirasyo­n sa kanyang bagong hairstyle.

Kalimitan nang ipinapakit­a ng isang magpapaayo­s ng buhok ang larawan ng isang hairstyle na nais niyang subukan. Ngunit malaking pagkakamal­i ang ginawang ito ng lalaki sa China, na gamitin ang isang pause video sa kanyang cell phone para sa kanyang hairdo inspo, dahil maging ang symbol na button play ay nailagay din sa kanyang buhok.

Sa ipinakita niyang video, sakto na nakatapat ang play button sa gilid ng ulo, na inakala ng hair stylist na parte ng hairdo.

Dahil sa katawa-tawang pangyayari, nag-trending ang istorya nang i-share ito sa Weibo, ang Facebook version ng China.

“Actually, that is a rather handsome look. It could be a new trending haircut,” komento ng isang user.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines