Balita

Tagbilaran at Ormoc, interesado sa Batang Pinoy hosting

- Ni ANNIE ABAD

POSIBLENG isa sa mga lugar ng Tagbilaran City sa Bohol at Ormoc City sa Leyte ang maaring maging host city para sa National Finals ng 2019 edisyon ng Batang Pinoy.

Ito ang isiniwalat ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William "Butch" Ramirez kamakalawa sa kanyang pagharap sa media sa press conference matapos lagdaan ang memorandum of agreement sa mga partner na Loal Government Units (LGUs).

Ayon kay Ramirez, nakatakda siyang makipagpul­ong kina Mayor John Geesnell Yap ng Tagbilaran at Mayor Richard Gomez ng Ormoc City upang malaman kung alin siyudad ang karapat dapat na makakuha ng hosting ng nasabing event.

"Well, magmi meeting pa kami. I still have to meet with the two Mayors and see kung saan gagawin ang National Finals. Medyo matagal pa naman 'yun, but this early, we have to determine para we're ready na bay October," pahayag ni Ramirez.

Samantala, handa na ang mga lalawigan ng Davao del Norte, Iloilo City at Ilagan Isabela para sa Luzon, Visayas at Mindano Leg ng Batang Pinoy.

Sisimulan ang Mindanao leg sa Davao del Norte ngayong darating na Pebrero 2 hanggang 9, kasunod ang Visayas Leg sa Iloilo City at Iloilo Province sa Pebrero 23 hanggang Marso, habang ang Luzon leg naman ay magaganap sa Marso 16 hanggang 23 sa Ilagan Isabela.

“It was almost cancelled because of program duplicatio­n but hiniling sa atin ng mga LGUs at DepEd mismo na ituloy dahil hindi lamang nito nabibigyan ng pagkakatao­n ang mga estudyante kundi pati na ang mga out-of-school youth at ibang mahihirap na kabataan na umunlad sa sports,” pahayag ni Ramirez.

Nakatakda naman na magkaloob ng halos P15 million halaga ng sports equipment ang PSC para sa mga local government units ng Davao del Norte, Iloilo, at Ilagan, Isabela bilang mga host ng Batang Pinoy.

Ito ay bilang sukli ng PSC sa tulong mga naturang LGUs na handang tumulong para sa pagpapalaw­ig ng grassroots sports program ng nasabing ahensiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines