Balita

Kings vs Katropa sa PBA Season 44 opening

- Ni MARIVIC AWITAN

Laro ngayon Philippine Arena 5 pm Opening Rites 6:30 pm Ginebra vs.TNT

Magtutuos ang reigning Commission­er's Cup titlist Barangay Ginebra at ang TNT KaTropa sa tampok na laro ngayong gabi sa opener ng PBA Season 44 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ngunit bago ang inaabangan­g tapatan ng Kings at Katropa, idaraos ang inaantabay­anan ding Leo awards kung saan pararangal­an ang mga individual top performers noong nakaraang season.

"It's a first of its kind - the seasonend awards held back-to-back with the season opener, and I'm sure it brings excitement to everybody," pahayag ni PBA commission­er Willie Marcial.

Ngayong hapon na malalaman kung makakamit ni San Miguel Beer slotman Junemar Fajardo ang kanyang ikalimang sunod na Most Valuable Player award kung saan mahigpit niyang katunggali si Northport ace guard na si Stanley Pringle.

Kung sakali, ang 6-foot-9 Cebuano slotman ang magiging unang manlalaro sa liga na mayroong limang MVP trophies.

Sa kasalukuya­n ay katabla sya nina

El Presidente Ramon Fernandez at Alvin "The Captain" Patrimonio na may apat na MVP.

Naghahanga­d na makabawi mula sa hindi magandang performanc­e nila noong nakaraang taon, nahaharap sa malaking problema ang Katropa dahil wala at hindi makakalaro sa kanila ang dalawang beteranong big man na sina Troy Rosario at Yousef Taha dahil sa injury.

Nagpapagal­ing si Rosario ng natamong injury sa kanyang ilong habang nagpapagal­ing naman ng tinahing sugat sa noo si Taha na natamo nila pareho noong bago mag-Bagong Taon kontra NLEX.

Sa panig naman ng Kings, galing sa matagumpay na kampanya noong nakaraang season, muling sasandigan ni Coach Tim Cone para simulan ang laban ng Kings sina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Joe Devance at Scottie Thompson.

Para naman sa tropa ni coach Bong Ravena, aabangan ang kanilang magiging adjustment kontra Kings sa paglawala nina Rosarip at Taha gayundin ng dati nilang gunner na si Terrence Romeo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines