Balita

Big-time oil price hike, plus dagdag-buwis

- Ni MYRNA M. VELASCO

Inaasahang magiging malakihan ang itataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, na posibleng lumampas sa dalawang piso.

Kasunod ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdig­ang merkado, inaasahang magdadagda­g ng P2.00-P2.05 sa kada litro ng diesel ang mga kumpanya ng langis sa bansa.

Aabot naman sa P1.30P1.35 kada litro ang itataas sa gasolina, habang nasa P1.75-P1.80 ang madagdag sa kada litro ng kerosene.

Masasabi namang hindi maganda ang timing ng big-time oil price hike ngayong linggo, dahil ito rin ang panahon kung kailan magpapatup­ad na ng karagdagan­g P2 kada litro na excise tax sa petrolyo ang karamihan ng mga gasolinaha­n sa bansa, alinsunod sa ikalawang bahagi ng Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) Law.

Inaasahang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang dagdag-singil sa Martes, Enero 15—at posibleng pagsabayin ng ilang gasolinaha­n ang price hike at ang itinaas na excise tax.

Una nang na-monitor ng Department of Energy (DoE) na ilang kumpanya ng langis sa Metro Manila ang mas maagang nagpatupad ng dagdagbuwi­s sa petrolyo, kahit hindi pa dapat.

Nagbabala si Energy Secretary Alfonso G. Cusi sa mga kumpanya ng langis laban sa “profiteeri­ng” ay nagpakalat siya ng mga grupo para magsagawa ng spot checks sa pagpapatup­ad ng mga gasolinaha­n sa Metro Manila ng karagdagan­g excise taxes.

Naisilbi na rin ng DoE ang show-cause orders sa nasabing mga kumpanya ng langis, kabilang ang Petron Corporatio­n, Flying V, at Pilipinas Shell Petroleum Corporatio­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines