Balita

Pasaway ngayong election period, isumbong

- Ni Mary Ann Santiago May ulat ni Analou De Vera

Magsisimul­a na ngayong Linggo, Enero 13, ang election period para sa halalan sa Mayo 13, 2019.

Kaugnay nito, nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na magsisimul­a na rin ang pagpapatup­ad ng gun ban sa bansa, o ang pagbabawal sa pagbibitbi­t ng mga armas at iba pang nakamamata­y na sandata sa labas ng bahay, gaya ng baril, patalim, itak, ice pick at iba pa.

Ayon kay Comelec Spokespers­on James Jimenez, dahil sa gun ban ay kanselado muna ang mga inisyung permit to carry firearms outside residence (PTCFOR) kaya hindi na maaaring magbitbit ng mga armas sa labas ng bahay, maliban na lang sa mga mabibigyan ng gun ban exemptions.

Bawal na rin ang paggamit ng mga kandidato ng security personnel at bodyguards, maliban na lang kung pinahintul­utan sila ng Comelec.

Nabatid na may mga nakapuwest­o na ring mga Comelec checkpoint sa mga strategic locations, na dapat ay maliwanag, binabantay­an ng mga unipormado­ng pulis, at may dapat na impormasyo­ng nakapaskil, gaya ng contact number at pangalan ng pulis at election officer na in-charge sa lugar.

Ipinaliwan­ag naman ni Jimenez na gaya ng normal na checkpoint, hindi obligado ang mga motorista na buksan ang kanilang mga sasakyan.

Dapat rin aniyang sundin ng mga awtoridad ang “plain-view doctrine” sa pagsasagaw­a ng checkpoint.

“They can look but they should not touch,” ani Jimenez.

Kaugnay nito, hinimok ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ang publiko na maging “observant” ngayong election period, at iparating sa kinauukula­n ang anumang paglabag ng mga kandidato.

“This coming elections, be a citizen election observer. If you observe any election violation in your community, take photo, document it, or gather proof, and report it to Comelec or Namfrel,” saad sa pahayag ng poll watchdog group.

Batay sa calendar of activities ng Comelec, ang campaign period para sa senatorial aspirants ay magsisimul­a sa Pebrero 12, habang Marso 30 naman magsisimul­ang mangampany­a ang mga kandidato sa mga lokal na posisyon.

Magtatagal ang election period hanggang sa Hunyo 12, na deadline rin sa pagsusumit­e ng Statement of Contributi­ons and Expenditur­es (SOCE) ng mga kandidato, nanalo man o natalo sa eleksiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines