Debut single ni Catriona, pinatugtog sa US radio

Balita - - Pangunahing Pahina - Ni DINDO M. BALARES

INSPIRATIONAL ang personalidad, mga adbokasiyang isinusulong, at lalo na ang life story ni Catriona Gray, ang ikaapat na Miss Universe ng Pilipinas. Maraming salamat sa pagiging aware ng GMA-7 news team na ang mga Pilipinang katulad niya ang karapatdapat tutukan sa panahong stressed na ang lahat sa sapinsaping problemang personal at panlipunan.

Alam na ng lahat na bagamat maayos ang buhay sa Australia, mas pinili ni Catriona na umuwi sa Pilipinas para matutong tumayong mag-isa. At higit sa lahat, subukang tuparin ang vision na kanyang ina na napanaginipan nito noong 13 anyos pa lamang siya.

Sinundan si Catriona ng GMA news sa pagsisimula ng kanyang reign sa New York, sa pangunguna ni Jessica Soho. Mamayang gabi, eklusibong ihahatid ni Jessica ang kanilang interbyuhan.

Naririto ang post sa Facebook page ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

“To the 104 million Filipinos, raise your flag at antabayanan ang one-on-one interview ni Ms. Jessica Soho kay newlycrowned Miss Universe Catriona Gray ngayong Linggo sa #KMJS! Who’s excited?”

May exclusive interview rin kay Catriona ang GMANetwork. com na malaki ang maibabahagi para sa ibang celebrities pati na sa mahigit 70% ng mga Pilipino na nakakabit sa social media na ang iba ay nakakaranas ding magkaroon ng bashers.

Aware ang dalaga na mayroon siyang bashers. Tulad ng maraming nagtagumpay sa buhay, hindi niya pinaniwalaan ang lahat ng mga kanegahang ibinato sa kanya. Wala siyang panahon sa haters.

“Yes, there are many, many, many supporters, pero siyempre naman there were people who have negative things to say, so I really wanted to keep my mindset in a very positive light,” wika ng Miss Universe sa interview ng GMANetwork.com. “I honestly didn’t pay them any mind.”

Ang tinutukoy ni Catriona ay ang body shaming na naranasan nang sumali siya sa Bb. Pilipinas.

“You know, there is no such thing as a perfect figure and I think having unrealistic expectations on women is not right.

“We should cultivate an environment on social media especially on beauty pageants to see women not just as bodies, or not just perfect proportions that

people perceive.

“We are so much more than that and I think that’s exactly what Miss Universe stands for.” Hindi siya nagpapaapekto sa kanegahan ng haters.

“And I never let it get me down. I never let it define me. It’s really just about knowing your confidence, knowing your worth. Yeah, it didn’t bother me at all.

“These people don’t know me, and if they’re going to define me by my looks, then I don’t wanna know them.” Naririto ang payo ni Catriona sa sinumang nakakaranas ng pamimintas o cyber bullying.

“You just need to build yourself up. If you constantly source your worth from social media, from what people say, you’ll never find that worth within yourself. “And what a sad thing that you would allow strangers to define who you are and what you’re capable of.”

Catriona at Jessica

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.