Angel, kinakabahan sa pagbabalikprimetime

Balita - - Pangunahing Pahina - Ni ADOR V. SALUTA

DAHIL napakalaking assignment ang ibinigay sa kanya para magbida sa bagong teleserye ng ABS-CBN na The General’s Daughter, aminado si Angel Locsin that she gets nervous sa kanyang pagbabalik sa primetime television.

“Oo, ‘di ako magpapakaplastik. Siyempre, [may] fear but hindi anxious, hindi ganun. I think healthy na kind ng fear na ‘pag wala ka noon, nakakatakot.

“Kailangan mo maramdaman ‘yun talaga at siguro, ‘yung takot ko ngayon, higit kumpara sa mga dati. Kinakabahan naman ako always pero ito, higit eh, kasi it’s been five years (na walang teleserye), naninibago.

“Hindi madali na every lalabas ka, comeback. Parang hindi ko alam kung sino pa ‘yung ibang gumagawa no’n. So ‘pag nagcomeback ka, make sure na okay ‘yung ginagawa mo.

“So far, pasalamat ako sa ABS kasi okay ‘yung projects na ibinibigay nila. And hopefully, sana itong comeback na ito maganda

naman na kahit five years ulit ako hindi magtrabaho, okay lang.” Mapapanood na ang pilot episode ng The General’s Daughter on January 21 sa Kapamilya network’s primetime block, kasama sina Paulo Avelino, Arjo Atayde, at JC De Vera as her leading men.

Mga de kalibre at mga beteranong artista rin ang kasama sa The General’s Daughter, gaya nina Albert Martinez, Tirso Cruz III, Janice de Belen, Eula Valdes, at Maricel Soriano.

Aabangan din ang mahahalagang karakter ni Ryza Cenon at ng love team nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Angel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.