Jodi, gagawa ng Hollywood film

Balita - - Pangunahing Pahina - Ador V. Saluta

LUBUSANG nakapagpahinga si Jodi Sta. Maria mula sa kaliwa’t kanang trabaho sa telebisyon at pelikula, dahil sinulit niya ang halos isang buwang holiday vacation kasama ang kanyang anak na si Thirdy Lacson sa Finland at Sweden. Request daw ng kanyang anak na si Thirdy na maranasan ang Christmas holiday o “winter wonderland” sa Finland at Sweden.

“First time kaming makapag-try ng husky sledding and at the same time, we were able to drive a reindeer sled. We were able to get a reindeer driver’s license,” kuwento ni Jodi sa interview niya with TV Patrol kamakailan.

Ang reindeer driver’s license ay isang document para legal kang mag-drive ng Reindeer’s sled sa Lapland. Dalawa kasi ang forms of transportation sa Lapland: ski at sled na hinihila ng reindeer.

Sa kanyang pagbabalik, sasalubong sa aktres ang tatlong pelikulang gagawin niya. Una rito ay ang Second Coming, kung saan gaganap siyang second wife ni Marvin Agustin pero minumulto siya ng unang asawa nito.

“It’s a mix of drama, thriller, and horror. Ano ba ang naghu-haunt sa pamilya ito? Totoo ba itong multo?” kuwento pa ng aktres.

May gagawin din siyang pelikula with Laurice Guillen na ang titulo ay Man and Wife, at isa pang horror film na ang titulo ay Clarita.

Excited ding ibinahagi ni Jodi ang posibilidad na matuloy ang gagawin niyang Hollywood film.

“May gagawin tayong international film very soon. Pero wala pa ako sa posisyon to spill the beans. But I am really praying about it. Hollywood levels!” masaya niyang balita.

“Masyado akong kinikilig kasi parang hindi ko alam kung paano sila kakaharapin. Baka ma-tonguetied ako. Baka manganga ako, mastarstruck ako,” tawa pa niya.

Balik-taping na rin si Jodi para sa Kapamilya teleserye na Mea Culpa,

na eere ngayong 2019. Kasama niya sa cast sina John Arcilla, Janice de Belen, Bela Padilla, Sandino Martin, Ketchup Eusebio, Kit Thompson, Ivana Alawi, at Tony Labrusca.

Thirdy at Jodi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.