Advisory sa mga biyaheng HK

Balita - - Balita - Bella Gamotea

Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong bibiyahe o paalis ng Hong Kong na tiyaking walang anumang ipinagbabawal na gamit sa kani-kanilang bagahe. Inilabas ang nasabing paalala kasunod ng ulat ng Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong na may isang transiting Filipino student ang inaresto at ikinulong ng airport authorities nitong Enero 8 matapos matagpuan ang dalawang extendable baton, o batuta, sa kanyang check-in luggage. Sinabi ni Consul General Antonio Morales na ang personal defense weapons tulad ng stun guns, pepper spray, tear gas, batura, balisong, at knuckledusters ay pawang ikinokonsiderang mapanganib na armas sa Hong Kong. Ang hindi lisensiyadong pagdadala ng mga ganito ay katumbas na HK$100,000 multa at hanggang limang taong pagkakabilanggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.