PPCRV, sali sa plebesito

Balita - - Balita - Mary Ann Santiago

Kinumpirma ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na makikibahagi at magbabantay sila sa plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Mindanao. Ito ay matapos bigyan ng akreditasyon ng Commission on Elections (Comelec) ang PPCRV upang makaagapay ang 2,000 volunteers nito sa pagbabantay sa plebisito sa Enero 21 at Pebrero 6, 2019. Ayon kay PPCRV Vice Chairman for Internal Affairs Bro. Johnny Cardenas, kabilang sa magiging tungkulin nila ang pagsasagawa ng poll watching at pagtiyak sa kaayusan ng plebesito para sa ratipikasyon ng BOL. “We are now moving, organizing our volunteers to participate in the observation and voters’ education, poll watching of the Plebiscite in Mindanao,” sabi ni Cardenas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.