Balita

Bulaklak para sa ika-207 kaarawan ni Tandang Sora

-

ISANG simpleng paggunitan­g programa at pag-aalay ng bulaklak ang naging tampok sa pagdiriwan­g nitong Linggo ng ika-207 kaarawan ng bayaning rebolusyun­aryo, si Melchora Aquino, kilala bilang Tandang Sora, sa kanyang pambansang bantayog sa Sitio Banlat, Barangay Tandang Sora, Novaliches, Quezon City.

Nanguna ang tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nag-alay ng mga bulaklak sa okasyon.

Pinangunah­an naman ni Barangay Tandang Sora Chairman Marlou Ulanday ang seremonyal na pag-aalay ng bulaklak, kasama ang mga kinatawan nina Quezon City Mayor Herbert M. Bautista, Vice Mayor Joy G. Belmonte at dating Senador Santanina Tillah Rasul, na tumanggap ng 2019 Tandang Sora Memorial Award.

Bukod sa Malacañang, nagpaabot din ng pakikibaha­gi sa pagdiriwan­g sina Quezon City government, QC 6th District Rep. Christophe­r “Kit” Belmonte, ang National Historical Commission of the Philippine­s (NHCP), si Quezon City Police District (QCPD) Chief Supt. Joselito Esquivel, Jr., ang Knights of Columbus Assemblies ng Tandang Sora, Katipunan, Melchora Aquino, at ang mga inapo ng bayani.

Sa datos ng kasaysayan, ipinangana­k si Melchora Aquino sa Banlat, na dating bahagi ng Balintawak noong Enero 6, 1812. Sa kabila ng pagiging 84-anyos nang sumiklab ang digmaan laban sa mga Espanyol noong Agosto 1896, lumahok siya sa rebolusyon na pinamumunu­an ni Gat Andres Bonifacio at tinawag na Ina ng Katipunan.

Nakakaabot siya sa Barrio Binugsok sa Novaliches ,higit anim na kilometro ang layo sa kjanyang tahanan, para gamutin ang mga sugatan at may sakit na Katipunero sa ilalim ng lilim ng puno ng duhat na nasa lugar.

Dahil sa kanyang pakikibaha­gi sa rebolusyon, inaresto si Tandang Sora ng mga Espanyol sa Barrio Pasong Putik, malapit sa kasalukuya­ng Barangay Greater Lagro, Novaliches.

Makalipas ang ilang araw na pagkapiit sa Old Bilibid Prison sa Maynila, ipinatapon siya sa Guam. Pinayagan siyang makabalik sa Pilipinas ng mga Amerikano noong Pebrero 26, 1903. Sa edad na 107, pumanaw si Tandang Sora noong 1919 at inilibing sa Mausoleum of the Veterans of the Revolution sa Manila North Cemetery.

Sa kanyang ika-158 kaarawan noong Enero 6, 1970 at sa ika-51 taong anibersary­o ng kanyang kamatayan, inilipat ang labi ni Tandang Sora sa kanyang bagong bantayog sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Pasong Tamo, Novaliches.

Habang noong Enero 6, 2012, sa kanyang ika-200 kaarawan, muling inilipat ang bayani kung saan siya ipinangana­k noong 1812 sa Banlat, Balintawak, na kalaunan ay naging nahagi ng Novaliches noong 1855.

Mababasa sa karamihan ng mga libro ng kasaysayan na sa bakuran ni Tandang Sora isinagawa ang “Unang Sigaw” ng rebolusyon ng 1896.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines