Balita

Klea Pineda, hihilera kina Pia at Kylie

- Nitz Miralles

SI Klea Pineda lang ang Kapuso star na kabilang sa mga muse na magbubukas na PBA Season 44 ngayong Linggo, January 13, sa Philippine Arena sa Bulacan.

Tuwang-tuwa ang young actress, at isa sa cast ng Afternoon Prime na Ika-5 Utos na napili siya ng Alaska Milk na maging muse ng koponan. Makakasama ni Klea sina Sharon Cuneta, na muse ng

Magnolia; Kylie Versoza, na muse ng San Miguel Beer; Alyssa Valdez, na muse ng NLEX; Yam Concepcion, na muse ng Phoenix; Michelle Gumabao, na muse ng Blackwater; at Pia Wurtzbach, na muse ng Ginebra.

Hindi maa-out of place si Klea dahil matangkad ang Kapuso star, at dahil dream din niyang maging beauty queen, marunong na siyang mag-project na parang contestant sa beauty pageant.

Anyway, maraming naiinis sa role ni Klea sa Ika-5

Utos dahil pareho sila ng katambal niyang si Jeric Gonzales na matigas ang ulo, kaya laging nalalagay sa panganib. In fairness, sumusunod lang sila sa script at sa instructio­ns ni Direk Laurice Guillen.

Patuloy pang mapapanood ang Afternoon Prime ng GMA-7, kaya patuloy pa rin ang pagiging matigas ng ulo nina

Klea at Jeric, at patuloy din na maiinis sa kanila ang viewers. Pero ang ibig sabihin nito, nagagampan­an nila nang tama ang kani-kanyang role.

A n g pagpapatul­oy ng

Ika-5 Utos ang isa sa mga blessings kay Klea noong 2018 hanggang ngayong 2019. Marami siyang natututuha­n from her veteran co-actors sa larangan ng acting at pagiging profession­al, at sa mga director na nasa likod ng Afternoon Prime.

Ang New Year’s wish ni Klea ay mas marami pang magagandan­g projects ang dumating sa kanya.

 ??  ?? Klea
Klea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines