Balita

Buong buhay akong Kapuso —Dingdong

- Ni NORA V. CALDERON

ME D Y O nagulat pa ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes nang tanungin siya ng ilang entertainm­ent press kung lilipat ba siya ng network dahil tapos na ang contract niya sa GMA Network sa January 16.

“Sa January 16 na ba iyon,” nakangitin­g sagot ni Dingdong. “Wala, hindi ako lilipat. Hindi pumasok sa isip ko na umalis sa GMA Network. Dito na ako tumanda at araw-araw nararamdam­an ko ang warmth ng pagmamahal nila sa akin at I’m too grateful sa kanila.

“Ipinagpapa­salamat ko na they allowed me to explore, pinayagan nila akong gumawa ng pelikula sa ibang production­s at sa aking production, ang Agosto 2.

“Buong buhay ko na akong magiging Kapuso. Iyong pirmahan ng kontrata, sa papel na lang iyon, bahala na roon ang manager ko. Like now, dalawa ang ginagawa ko sa GMA, itong action-drama series namin ni Dennis Trillo, ang

Cain at Abel, at kahit ako, habang nagti-taping ng Amazing Earth, ako rin ay naa-amaze sa mga nalalaman ko sa kalikasan at sa mga hayop.

“Ang anak kong si Zia, hindi siya matatakuti­n sa hayop, pero ipapapanoo­d ko ito sa kanya kapag nakakainti­ndi na siya talaga, although naaamaze din ako sa kanya dahil may mga sinasabi na siyang hindi mo iisiping she’s only three years old. Hayaan ko na muna siya na tutulungan daw niya ang Mama (Marian Rivera) niya sa pagaalaga sa baby brother niya. Inihahanda na niya iyong bed niya para sa kapatid daw niya.”

Kumusta naman siya ang karakter niya as Daniel sa Cain at Abel?

“Natutuwa ako sa story ng Cain at Abel dahil napaka-rich nito, ang daming option na puwedeng puntahan ang story. First time naming na-experience ni Dennis na may collaborat­ion kami sa creative at sa mga directors namin. Maganda ang working environmen­t namin, kaya walang problema.”

Ano pa ang dapat abangan sa Cain at Abel, na napapanood sa GMA gabi-gabi after ng 24 Oras?

“Abangan nila kung paano kami magkakasam­a ni Dennis, ako sa corporate world at siya sa kanyang mundo. Ako, gusto ko lang malaman kung sino ang pumatay sa anak ni Elias (Dennis) dahil may kinalaman din ako kaya siya namatay.

“Then kung paano namin makikilala ang aming ina at malalaman din namin ni Elias na kami pala iyong magkapatid na nagkahiwal­ay noong mga bata pa kami. May lukso ba ng dugo kapag nagkaharap na kaming tatlo?”

Movies muna ang pagkakaaba­lahan ni Dingdong after ng action serye niya. May nakahanda na siyang pelikula na gagawin sa Viva Films at sa kanyang Agosto 2 Production­s.

 ??  ?? Dingdong
Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines