Balita

Ms Tourism World Interconti­nental 2019, balik-bansa na

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

MAINIT na pagsalubon­g ang ipinadama ng pamilya, kaibigan at mga tagahanga ni Francesca Taruc sa kanyang pagdating sa bansa matapos siyang koronahang 2019 Miss Tourism World Interconti­nental sa Nanjing, China nitong Enero 9.

“I’m home!” post ni Francesca sa Intagram, kasama ng kanyang larawan hawak ang isang maliit na Philippine flag nitong Biyernes ng gabi.

Ang Miss Tourism World Interconti­nental title ang unang internatio­nal pageant crown para sa Pilipinas ngayong taon. Ito rin ang ikalawang malaking panalo ng bansa simula nang kononahang 2018 Miss Universe si

Catriona Gray nitong Disyembre 17, 2018. Sa Miss Tourism World Interconti­nental contest, nakuha ng kandidata ng Tatarstan ang first runner-up, habang si Miss Ukraine ang 2nd runnerup.

Mula Angeles City ang 20-anyos na beauty queen na may bachelor’s degree sa Mass Communicat­ions mula Holy Angel University sa Pampanga.

Apo si Francesca ni Supremo Luis Taruc, ang nagtatag ng Hukbong Bayan Laban sa mga Hapon (Hukbalahap), isang sandatahan­g samahan ng mga guerrilla laban sa mga Hapon noong World War II.

 ??  ?? Francesca
Francesca

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines