Balita

Coco, establishe­d nang action star

- Remy Umerez

EXTENDED at patuloy ang pamamayagp­ag sa takilya ng Jack Em Popoy: The Puliscredi­bles, kung saan hindi lang artista sina Coco Martin at Vic Sotto, pareho rin silang producer ng pelikula.

Sa istorya, Coco plays a dedicated cop na parang extension ng role niya sa toprating primetime series niyang FPJ’s Ang Probinsyan­o.

Siksik sa daring stunts at umaatikabo­ng fight scenes ang pelikula, na walang takot na isinagawa ni Coco. Patuloy na binubuhay ng aktor ang action films, ala-Lito Lapid, at bilang bonus ay nag-guest din sa pelikula ang dating senador.

Para sa promotion ng movie, sumali si Coco sa isang segment sa Eat Bulaga, where he sang and danced, tulad ng ginawa noon ni Robin

Padilla sa Video King. Todong kilig ang idinulot nito sa mga manonood.

Swak na swak ang tambalang Vic at Coco, at binabati namin si Direk Mike Tuviera na inaral nang husto ang pulso ng manonood para maging maganda ang kalalabasa­n ng movie.

Pumangalaw­a ang Jack Em Popoy sa mga ipinalabas nitong Pasko para sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF), at patuloy na pinapanood kaya naman na-extend pa ang showing nito sa mga sinehan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines