Balita

Lil Uzi Vert, ayaw na sa musika: ‘I wanna be normal’

-

INIHAYAG ng rapper na si Lil Uzi Vert na iiwan na niya ang industriya ng musika.

Sinorpresa ng 24-taong gulang na rapper ang kanyang fans nitong Biyernes nang ihayag niya sa pamamagita­n ng Instagram Stories na titigil na siya sa paggawa ng mga awitin, ayon sa ulat ng Entertainm­ent Tonight.

Inaasahang ire-release ni Uzi ang kanyang sophomore album, ang Eternal Atake, ngayong taon, matapos niyang ibahagi sa fans sa concert niya noong December na sa wakas ay nakumpleto na niya ang record niya para sa sarili.

“I wanna take the time out to say I thank each and every one of my supports but I’m done with music,” post niya. “I deleted everything. I wanna be normal ... I wanna wake up in 2013.”

“You are free,” sabi pa ni Uzi sa ilalim ng

ipinost niyang larawan. “Thank you love you,” aniya pa.

Naging madrama n g nakalipas n a dalawang taon para kay Uzi, na nagbunyag na ititigil na niya ang paggamit ng drugs kasunod ng pagkamatay ng kapwa niya rapper na si Lil

Peep noong November 2017. Nagsalita rin si Uzi tungkol sa gun violence pagkaraan ng pagkamatay ng rapper na si XXXTentaci­on noong June 2018.

 ??  ?? Lil Uzi Vert
Lil Uzi Vert

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines