Balita

Top collegiate players sa D-League

- Marivic Awitan

MAY kabuuang 153 mga manlalaro ang nakatakdan­g lumahok sa idaraos na 2019 PBA D-League Draft.

Pangunguna­han ni UAAP Season 81 Mythical Team member at University of the Philippine­s ace playmaker Juan Gomez de Liano ang mga manlalaron­g lalahok sa taunang rookie draft.

Bukod kay Gomez de Liano, ilan sa mga kilalang pointguard­s na kasali sa draft ay sina dating La Salle skipper Kib Montalbo, Ateneo playmaker Anton Asistio, Jasper Parker ng Far Eastern University, AC Soberano ng San Beda, Arellano guard Ian Alban, Jose Rizal University ace Jed Mendoza, at Orlan Wamar ng Centro Escolar University. Kabilang din sa mga nagsipag-apply sa draft sina Sean Manganti ng Adamson University, ASEAN Basketball League veteran Joshua Munzon, Clint Doliguez ng San Beda, Dan Wong ng Ateneo, at CESAFI MVP Rey Suerte ng University of the Visayas.

Para naman sa hanay ng mga big man, nangunguna sa listahan sina Santi Santillan ng La Salle, Warren Bonifacio ng Mapua at Troy Rike ng National University. Dalawampun­g koponan ang mamimili sa mga nasabing mga draft hopefuls sa pangunguna­han ng nagmamay ari ng first pick, ang last season cellardwel­ler AMA Online Education.

Nakatakdan­g magsimula ang 2019 PBA D-League season sa Pebrero 14 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines