Balita

2 umiwas sa checkpoint, tinodas

- Fer Taboy

Patay ang dalawang lalaki nang makaengkuw­entro ang mga awtoridad na nagbabanta­y sa isang checkpoint sa San Jose Del Monte City, Bulacan, kahapon.

Nilinaw ni Police Supt. Orlando Castil, hepe ng San Jose Del Monte Police, sakay ng motorsiklo ang dalawang suspek.

Tinakbuhan umano ng mga ito ang checkpoint kaya hinabol sila ng mga pulis.

Depensa ni Castil, pinaputuka­n sila ng mga suspek nang tangkain nilang pahintuin sa isang checkpoint na nagresulta sa sagupaan.

Binawian ng buhay sa pinangyari­han ng insidente ang dalawa dahil sa mga tama ng bala.

Hindi pa rin nakikilala ng mga awtoridad ang dalawang suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines