Balita

Hinoldap ng R130k, pinatay pa

- Liezle Basa Iñigo

STA. MARIA, Pangasinan – Isang negosyante ang napaslang nang pagbabaril­in ng dalawang holdaper na tumangay sa kanyang P150, 000 sa Barangay San Vicente, Sta. Maria, Pangasinan, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Sta. Maria Police, dead on the spot ang biktimang kinilalang si Crispin Antane, 52, ng Bgy. San Vicente, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman agad ang dalawang suspek matapos isagawa ang krimen.

Naiulat na pauwi na ang biktima, bitbit ang nasabing pera nang harangin ng dalawang suspek na armado ng baril, dakong 6:15 ng gabi.

Tinukan ng baril ang biktima kasabay ng pagdedekla­ra ng panghohold­ap ng dalawang suspek.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines