Balita

Checkpoint: Plain view inspection lang

- Fer Taboy

Hinigpitan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng seguridad sa buong bansa sa pagsisimul­a kahapon ng 150-araw na election period.

Sa memorandum ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, inatasan niya ang lahat ng field commanders na istriktong magpatupad ng kani-kanilang checkpoint sa buong bansa.

Layunin nitong mahuli ang mga nagbibitbi­t ng mga ilegal na baril, patalim, pampasabog, at iba pang mga armas.

Epektibo na rin ngayong Lunes ang gun ban ng Commission on Elections (Comelec), na tatagal hanggang sa Hunyo 12, 2019.

Sa checkpoint, ipatutupad ng mga pulis at sundalo ang plain view inspection, kaya mas mainam na buksan na ng mga motorista ang kanilang mga sasakyan.

Maging ang mga licensed gun owners ay bawal ding magbitbit ng armas, maliban na lang kung binigyan sila ng exemption ng Comelec.

Ayon kay Albayalde, exempted sa gun ban ang mga mga pulis na nakaunipor­me at naka-duty, gayundin ang mga sundalo, mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), National Bureau of Investigat­ion (NBI), Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), iba pang mga law enforcemen­t agencies, at maging mga private security agencies.

Ang mga pulitikong may banta sa kanilang buhay ay maaaring mag-apply ng security escorts sa Police Security and Protection Group ng PNP.

Binuhay na rin ngayon ng PNP ang Regional and Provincial Election Monitoring and Action Centers sa buong bansa, na magmo-monitor sa iba’t ibang aktibidad, kasama na rito ang mahahalaga­ng accomplish­ments na may kaugnayan sa eleksiyon sa Mayo 13, 2019.

Samantala, tinukoy na rin ng PNP ang 18 election hotspots sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) at midterm elections.

Karamihan sa mga lugar na tinututuka­n ng pulisya at military ay nasa Mindanao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines