Ex-barangay chairman, todas sa tandem

Balita - - News - Jonas Reyes

Pinagbabaril at napatay ng ridingin-tandem ang isang dating barangay chairman sa Subic, Zambales, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Subic Police ang biktimang si Rogelio Cabra, 67, dating chairman ng Barangay Calapandayan, Subic, na dead on arrival sa Our Lady of Lourdes Hospital sa Olongapo City, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Agad namang tumakas ang dalawang suspek, sakay sa motorsiko.

Pauwi na ang biktima habang minamaneho ang kanyang motorsiklo, kaangkas ang live-in partner na si Daisy Rose Beato, 46, nang tambangan ng dalawang suspek sa Purok 6, National Highway sa Bgy. Calapandayan, dakong 6:30 ng gabi.

Ayon kay Subic Police chief, Chief Insp. Rolando Dellezo, dinikitan ng mga suspek ang biktima bago pinagbabaril.

Apat na basyo ng bala ng baril ang narekober ng mga awtoridad sa crime scene.

Hindi pa matukoy ng mga imbestigador ang motibo sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.