3 pa sa Maute-ISIS, sumurender

Balita - - News - Bonita L. Ermac

Tatlo pang Maute-ISIS remnants, na kaanib ng grupo ni Abu Dar, ang sumuko sa militar sa Lanao del Sur, nitong Sabado ng gabi.

Hindi na ibinunyag ni 82nd Infantry Battalion (IB) commander, Lt. Col. Jason Jumawan ang pagkakakilanlan ng tatlong terorista para na rin sa kanilang seguridad.

Ang mga ito, ayon kay Jumawan, ay sumuko sa kanilang military unit sa Piagapo sa lalawigan.

“Dissatisfied and discontented with the leadership and capabilities of the group is the reason why they’ve surrendered,” ayon sa opisyal.

Sinabi ni Jumawan na isinuko rin ng tatlo ang kanilang mga armas, na kinabibilangan ng isang rocket propelled grenade (RPG) launcher, isang grenade launcher, isang M14 Garand rifle, at mga bala nito.

Biyernes nang naunang sumuko ang dalawa pang Maute-ISIS remnants sa 55th IB sa Pagayawan, Lanao del Sur.

Matatandaang tumagal nang limang buwan ang pakikipagbakbakan ng militar sa Maute-ISIS sa Marawi City nang salakayin ang kubkubin ng teroristang grupo ang siyudad noong Mayo 23, 2017.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.