Buhay ng Pinoy, giginhawa na –Palasyo

Balita - - News - Argyll Cyrus B. Geducos

Positibo ang Malacañang na mas marami pang pamilya ang magkakaroon ng matiwasay na pamumuhay ngayong taon matapos ipakita sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na bumaba ang bilang ng mga Pilipino na itinuturing ang sarili na mahirap nitong nakaraang buwan.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos lumabas na ang bilang ng mga Pinoy na nagsabing sila ay “poor” ay bumaba sa 52 porsiyento mula sa 50% batay sa survey ng SWS noong Disyembre 2018.

Sinabi ni Panelo na ikinalulugod ng Malacañang ang resulta ng self-rated poverty survey, at nangangahulugan ito na tinatayang 600,000 pamilya ang nagsabing hindi na nila itinuturing na mahirap ang kanilang mga sarili.

Binanggit niya ang parehong pagbaba sa bilang ng pamilya na itinuring ang kanilang pagkain na “mahirap”, nasa 34% noong Disyembre 2018 kumpara sa 36% noong Setyembre 2018.

Ayon kay Panelo, ang ganitong pag-unlad ay maaaring ipalagay na naayon sa pagbaba ng inflation nitong Disyembre 2018 na rumehistro sa 5.1%, o ang pinakamababa simula Hunyo 2018. Sinabi niya na positibo ang Palasyo na mas giginhawa pa ang kalagayan ng mga Pinoy.

“With the President’s tireless efforts in addressing and taming the inflationary effects of the prices of basic goods and commodities, we remain optimistic that many Filipino families would continue to feel more comfort this year,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.