Balita

Patay sa pagguho ng minahan, 21 na

-

BEIJING (AFP) – Umakyat na sa 21 ang bilang ng mga namatay sa pagguho ng isang coal mine sa hilagang China, matapos matagpuan ng rescuers ang dalawa pang patay na minero kahapon, iniulat ng state media.

Kabuuang 87 katao ang nagtatraba­ho sa ilalim ng lupa sa minahan sa Shaanxi province nang mangyari ang aksidente nitong Sabado ng hapon, ayon sa official news agency Xinhua.

Pinaghahan­ap ng rescuers ang dalawang nalalabing akulong na minero ngunit natagpuan silang patay kahapon ng umaga, iniulat ng Xinhua. May 66 pang minero ang ligtas na nailikas mula sa minahan.

Iniimbesti­gahan pa ang sanhi ng aksidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines