600 inilikas sa kuta ng IS

Balita - - News -

BEIRUT (AFP) – Mahigit 600 katao ang inilikas nitong Sabado mula sa nalalabing kuta ng grupong Islamic State sa silangan ng Syria, sinabi ng isang monitor, habang naghahanda ang US-backed fighters para sa huling opensiba sa lugar.

‘’More than 600 people, mainly women and children, were evacuated on 25 buses sent’’ ng Syrian Democratic Forces (SDF), sinabi ng Britain-based Syrian Observatory for Human Rights.

Inilunsad ng SDF, suportado ng air strikes mula sa US-led coalition, noong Setyembre ang opensiba para pulbusin ang IS mula sa natitira sa dating malawak na ‘’caliphate’’ na iprinoklama nito noong 2014.

May 16,000 katao, kabilang ang 760 IS fighters, ang tumakas sa lugar simula nitong Disyembre. Tinatayang 2,000 sibilyan ang nananatiling naiipit sa lugar sa paligid ng bayan ng Hajin, sinabi ng United Nations.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.