Balita

Pumatay ng ex-live-in partner, inatake sa puso

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Posible umanong labis nakonsensi­ya kaya inatake sa puso at namatay ang matandang lalaking pumatay ng dati nitong kinakasama sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigat­ion Section (CAPIS), sumakit ang tiyan ni Patrick Francisco Ramos, 71, ng Laong Nasa Street, Tondo, kaya isinugod ito sa ospital ngunit binawian din ng buhay, dakong 8:24 ng gabi.

Si Ramos ang pumatay sa dati niyang kinakasama na si Janet Santos, 38, residente ng 783 Int. 31, Ma. Guizon St., Daang Bakal, Tondo, bandang 1:00 ng hapon kamakalawa.

Una rito, pinuntahan ni Ramos si Santos sa bahay nito at naabutang naglalaba.

Pinakiusap­an umano ng suspek ang biktima na makipagbal­ikan sa kanya, ngunit tumanggi si Santos at tinalikura­n ang suspek.

Nagalit ang suspek at bumunot ng patalim at pinagsasak­sak ang dating kinakasama at tuluyang tumakas.

Nagtago umano ang suspek sa bahay ng kanyang mga kaibigan at pagsapit ng gabi ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan kaya isinugod sa ospital at namatay.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng inatake sa puso ang suspek dahil sa labis na pagdadalam­hati at pagsisisi sa ginawang krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines