Task force para sa bowler killing

Balita - - Pangunahing pahina - Jel Santos at Mary Ann Santiago

Binuo kahapon ng San Juan police ang isang special task force group upang matukoy ang armadong pumatay sa bowling national team member na si Angelo Nathaniel Constantino, 48.

Pamumunuan ni San Juan police chief, Senior Supt. Dindo Reyes ang Special Investigation Task Group Constantino (SITGConstantino).

Ito ay binubuo ng mga miyembrong mula sa San Juan police’s Investigation Department, Intelligence Unit, Warrant Section, Greenhill’s Police Community Precinct, at iba pa.

UPDATE SA IMBESTIGASYON

Matapos na marekober nitong Sabado ang baril na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay, sinabi ni Reyes na may fingerprints na nakuha ang Scene of the Crime Operatives (SOCO).

“SOCO will check the PNP database if we have a record of the fingerprints found on the caliber .45 pistol,” aniya.

Samantala, sinusubukan ng mga pulis na makakuha ng kopya ng closed-circuit television (CCTV) footage sa gusaling malapit sa bakanteng lote kung saan maaaring dumaan ang suspek para tumakas.

“We are now coordinating with the management of the building to get a copy of their CCTV footage.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.