Electrical failure sa MRT, 75 pinababa

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Napilitan ang pamunuan ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3) na pababain ang 75 pasahero ng isang tren nito nang dumanas ng aberya sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), dumanas ng electrical failure ang isang tren pa-southbound sa Kamuning Station, bandang 6:27 ng umaga.

Ayon sa DOTr, ang service disruption ay dulot ng mga “worn out electrical sub-components” ng tren, gaya ng insulator, regulator, at main chopper.

“A Southbound (SB) train unloaded at Kamuning station due to ELECTRICAL FAILURE IN OUR MOTOR at 6:27AM today (Sunday),” tweet ng DOTr. “The whole train was unloaded, with approximately 75 passengers.”

Makalipas ang dalawang minuto ay naisakay sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero para maihatid sa kanikanilang destinasyon.

Agad ding humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa kanilang mga pasahero.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.