Bebot sa watchlist, dinakma

Balita - - News - Minka Klaudia S. Tiangco

Arestado ang isang babae, na kabilang sa drug watch list, sa buy-bust operation sa Paso de Blas, Valenzuela City, nitong Sabado.

Kinilala ang inaresto na si Lydia Valdez, 58, dispatcher, at residente sa nasabing lugar.

Si Valdez nakalistang drug pusher sa watch list.

Nagsagawa ng operasyon ang mga elemento ng Valenzuela City Police Station Drug Enforcement Unit sa Valenzuela Gateway Complex, dakong 7:30 ng gabi.

Sa imbestigasyon, nakipagtransaksiyon ang isang poseur-buyer kay Valdez bago tuluyang inaresto.

Nakuha sa operasyon ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu, P200 cash, at P200 marked money.

Idiniretso ang mga ebidensiya sa Philippine National Police Crime Laboratory Satellite Office sa Valenzuela City para sa laboratory examination.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.