Balita

21-anyos huli sa ‘marijuana’

- Minka Klaudia S. Tiangco

Dinampot ang isang 21-anyos na lalaki nang masamsaman ng hinihinala­ng mga dahon ng marijuana sa Herrera Street, Ibaba, Malabon City, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Jimboy Diestra, ng P. De Guzman Street, Ibaba, Malabon City.

Hindi kabilang si Diestra sa drug watch list ng police o barangay.

Sa ulat, nagpapatru­lya ang dalawang pulis sa lugar nang masilayan ang suspek.

Hawak umano ni Diestra ang isang pakete ng hinihinala­ng dahon ng marijuana.

Dahil dito, agad siyang pinosasan at kasalukuya­ng nakakulong sa Malabon City Police Station Custodial Facility.

Narekober ang hinihinala­ng droga at dinala sa Northern Police District Crime Laboratory Satellite Office sa Valenzuela City para sa laboratory examinatio­n.

Kakasuhan si Diestra ng paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines