133 dayuhan, hinarang sa pagiging bastos

Balita - - News - Mina Navarro

Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang 133 dayuhan sa pagpasok sa bansa noong nakaraang taon, dahil sa pagiging bastos at kawalan ng galang sa mga Immigration officers.

Sa ulat na ipinarating kay BI Commissioner Jaime Morente, ang naturang bilang ng mga dayuhan ay bahagyang mas mataas kaysa 129 noong 2017.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga dayuhan na dumadalaw sa bansa na huwag maging bastos at umiwas sa paggamit ng mga nakasasakit na salita.

“The entry and stay of foreigners in the country is only a privilege, not a right. Aliens are not allowed to verbally abuse or disrespect our immigration officers,” anang opisyal.

Sa talaan ng BI, pinakamaraming hinarang na Chinese, 37; Amerikano, 25; at Koreano, 23.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.