Balita

‘Dealer' tigok sa drug ops

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Isang umano’y drug dealer ang napatay matapos makipagbar­ilan sa mga awtoridad sa isinagawan­g operasyon kontra-droga sa Barangay Barrera, Cabanatuan City, kamakailan.

Kinilala ni Cabanatuan City police chief, Supt. Ponciano Zafra, ang napaslang na si Delmer Isonga, nasa hustong gulang, ng nasabing lugar.

Nasa aktong binebentah­an na ng shabu ng suspek ang isang police poseur buyer nang makahalata ito na isa lamang itong patibong.

Agad umanong bumunot ng baril si Isonga at ipunutok ito sa mga awtoridad. Dead on the spot si Isonga nang makipagbar­ilan sa kanya ang mga awtoridad. Narekober ng mga imbestigad­or ang isang cal. 38 revolver at 10 na pakete ng shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines