Balita

2 ‘tulak’ timbog

- Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija – Dalawang babaing umano’y nagtutulak ng ipinagbaba­wal na gamot ang naaresto sa Barangay Bacal III, Talavera, Nueva Ecija, kamakailan.

Ipinahayag ni Supt. Alexie Desamito, Talavera police commander, nakapiit na ngayon ang dalawang suspek na sina suspek ay sina Estrellita Chua, 32, ng Bgy. Bacal II, at Analiza Ladisla, 32, ng nabanggit ding lugar.

Nakumpiska sa kanila ang anim na plastic sachet ng shabu at marked money. Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comperhens­ive Dangerous Drug Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines