Balita

Lolo, tigok sa bundol

- Leandro Alborote

SAN MANUEL, Tarlac – isang 71-anyos na lalaki ang nasawi nang mabundol ng isang motorsiklo sa Barangay San Miguel, San Manuel, Tarlac, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Dr. Marcelo Chan Hospital si si Frangerous Cacho, may-asawa, ng nasabing barangay, dahil sa pinsala sa ulo.

Hawak na ng mga awtoridad ang driver ng motorsiklo na si Reynan Macalintal, 24, binata, ng Bgy. Salcedo ng nabanggit na bayan.

Sa report ng San Manuel Police, tumatawid si Cacho sa national highway nang mabundol ito ng motorsiklo ni Macalintal, dakong 11:30 ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines