4 kabataan, sugatan sa salpukan

Balita - - News - Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac – Apat na katao ang nasugatan makaraang magkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa Capas- Concepcion Road, Barangay Sto. Domingo 2nd, Capas, Tarlac, nitong Biyernes ng madaling araw.

Isinugod sa Ospital Ning Capas sina Nikko Yalung, 18, driver ng Microbike Ext motorized tricycle (CB-17558), ng Bgy. Sto. Rosario; at Joyce Anne Quizon, 17, ng Bgy. Manlapig, Capas, Tarlac.

Sa parte ng Honda TMX 155 motorcycle (XO-5111), na minamaneho ni Clifford Manalo, 20, nasugatan ang huli at ang angkas niyang si Aron Salunga, 18, kapwa taga Bgy. Cut-Cut 1st, Capas, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Romulus Ramos, patungo sa bayan ng Capas ang tricycle nang makabanggaan ang kasalubong na motorsiklo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.