Balita

3 tiklo sa illegal gambling

- Leandro Alborote

BAMBAN, Tarlac – Tatlong katao ang naaresto dahil sa pagsusugal ng monte sa Barangay Anupul, Bamban, Tarlac, nitong Huwebes.

Sa report ni PO2 Jefferson Capulong, kinilala ang mga dinakip na sina Nixon Tuazon, 49, may asawa, ng Sitio Pandan, Bgy. Anupul; Reynante Dipuculao, 45, ng Bgy. Virgen Delos Remedios; at Arnel Jacobe, nasa hustong gulang, ng Bgy. San Nicolas, Dapdap, Bamban, Tarlac.

Nauna rito, na-monitor ni Chief Insp. Joshua Gonzales na may nagaganap na illegal gambling sa Bgy. Anupul, at nakumpiska umano sa mga suspek ang baraha, perang taya, at iba pang gambling parapherna­lia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines