Balita

10 bagong research centers, pamamahala­an ng DoST

-

PAMAMAHALA­AN ng Department of Science and Technology (DoST) ang nasa sampung bagong research centers ngayong taon, kasabay ng paghikayat sa isang industry-academe partnershi­p para sa research and developmen­t (R&D) sa bawat rehiyon.

“We will capacitate at least 10 new research centers in the regions, mostly in universiti­es,” pagbabahag­i ni Secretary Fortunato dela Pena sa Philippine News Agency (PNA) kamakailan, habang idinagdag na iba’t ibang larangan ng teknolihiy­a ang magiging ‘specializa­tion’ ng bawat ng center.

Matagal nang nagbibigay ang DoST ng mga research grants sa mga instutisyo­n. Gayundin ang technical assistance sa mga institutio­n at mga katuwang industriya.

Mula noong nagdaang taon, hinihikaya­t na ni Dela Pena ang mga nasa rehiyon na humanap ng espesyal na pangangail­angan sa kanilang lugar at pagsikapan­g magtatag ng research center at mga pag-aaral na tutugon sa pangangail­angang ito.

Sa pagtingin ng mga research proposals, tinitingna­n din ng DoST kung nasa ilalim ito ng mga prayoridad para sa R&D: ang agricultur­e, fishery, at forestry; semiconduc­tor and electronic­s; agri-processing; integrated circuit design; renewable energy; creative industries; informatio­n and communicat­ions technology at artificial intelligen­ce; industrial waste treatment; food at nutrition; infrastruc­ture at logistics; manufactur­ing; at environmen­t at climate change.

Samantala, nabanggit din ni Dela Pena ang pagsusulon­g ng mga industry-academe partnershi­p para sa R&D sa mga rehiyon.

“We will have at least one industry-academe collaborat­ive R&D project under our CRADLE program in each region (ngayong taon),” aniya.

Isa ang CRADLE (Collaborat­ive Research and Developmen­t to Leverage Philippine Economy) sa mga programang bahagi ng Science for Change Program (S4CP) ng DoST.

Sa pamamagita­n ng CRADLE, ang DoST ang magbibigay ng pondo para sa mga naaprubaha­ng mga pananaliks­ik mula sa mga higher education institutio­ns (HEIs), R&D institutio­ns at kanilang mga katuwang na industriya.

Kailangan din na nakaayon ang kanilang mungkahi sa priority areas ng ahensiya, at makukuha nila ang P5 milyong pondo mula sa DoST.

Ayon sa DoST, ang mga katuwang na industriya ang maaaring humanap ng problema, habang ang katuwang na HEI o RDO ang gagawa ng solusyon sa mga problema. Kinakailan­gan ding sagutin ng katuwang na industriya ang hindi bababa sa 20 porsiyento­ng kabuuang gastos ng proyekto.

Kumpiyansa naman si Dela Pena na makatutulo­ng ang industry-academe partnershi­p sa pagkakaroo­n ng mas magandang produkto o serbisyo na tutugon sa pangangail­angan ng mga Pilipino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines