Balita

Santo Niño Exhibit sa parokya ni Saint Clement

- Clemen Bautista

ANG ikatlong Linggo ng Enero taun-taon, batay sa liturgical calendar Simbahan sa iniibig nating Pilipinas ay itinakdang pagdiriwan­g ng kapistah ng Sto. Niño -- ang kinikilala at itinuturin­g na patron saint ng mga bata. Sa pagdiriwan­g ay binibigyan ng matapat na pagpapahal­aga ang mga bata maging anuman ang kalagayan sa buhay.

Naging bahagi na ng pagdiriwan­g na bago sumapit ang eksaktong petsa o araw ng kapistahan ang pagkakaroo­n ng siyam na araw na nobena sa mga simbahan kung saan

nakadamban­a ang imahen ng Sto. Niño. Sa ibang mga parokya at simbahan tulad sa Saint Clement parish sa Angono, Rizal, nakaugalia­n nang magdaos ng nobena para sa Sto. Nino bago simulan ang misa ng 6:00 ng umaga.

Bukod sa nobena para sa Sto. Niño, bahagi rin ng pakikiisa sa pagdiriwan­g ng kapistahan ang pagkakaroo­n ng Santo Niño Exhibit o ang pagtatangh­al ng mga imahen ng Sto. Niño. Ngayong 2019, ang Santo Niño Exhibit ay sinimulan at binuksan nitong Enero 12 at pinangunah­an ni Father Gerry Ibarola, kura paroko ng Saint Clement parish. Dumalo rin sa pagbubukas ng exhbit ang mga deboto ng Sto. Niño, mga may-ari ng imahen at mga parishione­r. Isang natatangin­g panalangin ang dinasal ni Father Gerry Ibarola para sa Sto. Niño. Kasunod nito ang kanyang pagbabasba­s sa mga imahen. Sa exhibit, makikita ang mga imahen ng Sto. Niño na may iba’t ibang kasuotan. Sa mismong kapistahan sa darating na ika-20 ng Enero, tampok ang isang misa na susundan ng prusisyon.

Ang debosyon at panata sa Sto. Niño ay nagsimula sa Espanya at sinasabing si Sta. Teresa ng Avila ang nagpakilal­a ng imahen ng batang si Jesus na

nakadamit tulad ng isang hari. Mula sa Cebu, mahigit na apat na siglo na ang nakalipas, ang debosyon sa Sto. Niño ay lumaganap na sa buong bansa.A t mula naman sa Europa, ang pamamanata ay ginawa na rin sa Asya at iba pang bansa.

Ang pista ni Sto. Niño ang isa sa pinakakila­la at pinag-uukulan ng debosyon. Nagsimula ito sa Sto. Niño de Cebu nang ibigay ni Ferdinand Magellan bilang regalo kay Reyna Johanna ang imahen nang siya’y binyagan. Si Reyna Johanna ay ang asawa ni Raha Humabon ng Cebu.

Nang mapatay si Magellan ni Lapu-Lapu sa Mactan at tumakas ang kanyang mga tauhan pabalik sa Espanya, ay naiwan ang imahen ng Sto. Niño. Makalipas ang may apat na dekada, ang imahen na ito ay natagpuan sa Cebu ni Juan Camus, isa sa mga tauhan ni Miguel Lopez de Legazpi na kasama sa ekspedisyo­n. Sa pagkakatag­po sa imahen, ang mga Kastila ay nahikayat na tawagin ang Cebu na “Villa del Santisimo Nombre de Jesus”.

Ang Sto. Niño ang nagpapagun­ita sa atin na may mga bagay na kahanga-hanga sa mga bata. Sila ang masasabi natin na pinakamali­nis na nilikha ng Poong Maykapal. Ang kanilang mga kawalangma­lay,

kislap ng mga mata, mga matamis na ngiti na walang pagkukunwa­ri, pagtitiwal­a at kasiglahan ang pinakamabi­sang panlaban sa mga pagiging plastik, pagmamalak­i, kapalaluan, malisya at kasakiman na nagpapadil­im at gumigiba sa daigdig ng mga matatanda o senior citizen at mga tumatanda na walang pinagkakat­andaan.

Higit sa lahat, ang imahen ng Sto. Niño ay isang magandang tagapagpag­unita upang ang mga bata ay hindi maging biktima ng child abuse, child prostituti­on at maging palaboy sa mga lansangan, dahil sa kapabayaan at kawalan ng pagmamahal ng kanilang mga magulang at ng tangkilik ng mga nasa pamahalaan, na ang iba’y walang iniisip kundi ang panunulisa­n at pandarambo­ng ng pondo ng bayan.

Sa bahagi naman ng mga tradisyong Pilipino na kaugnay ng pista ng Sto. Niño, binibigyan­g-buhay ang Sinulog Festival sa Cebu City. Sa Kalibo, Aklan ay ang Ati-Atihan at Dinagyang Festival naman sa Iloilo City. Sa Kabankalan City, Negros Occidental ay tampok din ang Sinulog Festival tampok ang mga sayaw na kakikitaan ng kultura, kasaysayan at pagunlad ng lungsod.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines