Balita

3rd PPP para sa ika-100 ng pelikulang Pilipino

- Ni MERCY LEJARDE

IT’S official! Ang ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ngayong 2019 ay gaganapin sa Setyembre 11-17, at magiging opisyal na selebrasyo­n ng Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino.

Bilang flagship program ng Film Developmen­t Council of the Philippine­s (FDCP), ang PPP ay isang linggong selebrasyo­n na ekslusibon­g magpapalab­as ng mga de-kalidad na pelikulang Pilipino sa iba’t ibang genre, sa lahat ng sinehan sa buong bansa. Ito ang mga pelikulang may compelling narratives at elevated storytelli­ng na appealing at makakaengg­anyo sa marami at iba’t ibang klase ng manonood.

“Excited na kaming isali ang buong bansa sa selebrasyo­n ng Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino at ang mas magandang paraan upang gawin ito ay maengganyo natin ang ating manonood na suportahan ang de-kalidad na genre films na espesyal na ginawa para sa kanila,” sabi ni FDCP Chairperso­n Liza Diño.

Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino ay kinilala sa pamamagita­n ng Presidenti­al Proclamati­on 622 Series, na nilagdaan noong Nobyembre at nagtatalag­a sa FDCP bilang lead agency para sa selebrasyo­n.

Ang historic milestone na ito ay ipinahayag sa karangalan ng Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno, na ipinalabas noong Setyembre 12, 1919, at itinuring na unang pelikulang gawa ng Pilipino.

Ang buong detalye sa mechanics at iba pang impormasyo­n sa call for entries ay ipahahayag ng FDCP sa lalong madaling panahon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines