Piolo, Derek, at Dingdong, puwede sa isang pelikula

Balita - - Showbiz - Ni NORA V. CALDERON

TANGGAP na tanggap ng mga netizens ang lumabas na TVC ng isang brand ng donuts na magkakasama sina Derek Ramsay, Dingdong Dantes, at Piolo Pascual. Sa pagkaalam namin late last year pa dapat ipalabas ang said TVC, kaya lang nagkaroon yata ng problema ang donut brand at inayos muna ito bago ipinalabas ang ad.

Ang ganda kasi ng TVC na mukhang best friends ang tatlong aktor, hinanap nila ang said donut store, at parang enjoy na enjoy silang kainin ang different flavours ng donut. Nakakatuwa dahil original endorsers nito sina Derek at Piolo, at ngayon nga ay isinama na nila ang Kapuso Primetime King.

Pare-pareho silang kilalang celebrity endorsers, kaya tanong ng mga netizens bakit hindi sila ipagproduce ng movie ng Star Cinema na magkakasama silang tatlo?

Known na si Piolo na taga-Star Cinema, at sina Derek at Dingdong naman ay pareho nang nakagawa ng movie sa nasabing film outfit, kaya hindi raw ba magandang pagsamasamahin sila sa isang pelikula?

Kung sakali namang pumirma na ng contract si Derek sa GMA Network, no problem naman kung gagawa siya muli sa Star Cinema dahil wala namang film arm ngayon ang GMA. Matagal nang hindi gumagawa ng movie ang GMA Films.

Si Dingdong ay may nakahanda nang gagawing movie sa Viva Films at sa kanyang Agosto 2 Productions, pero madali na lang iyon sa tamang scheduling.

Bukod sa umeere ngayon sa GMA-7 ang serye niyang Cain at Abel at infotainment show niyang Amazing Earth, eagerly waiting din si Dingdong sa coming second baby nila ni Marian Rivera, a boy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.