Balita

Maine, may maagang birthday gift

- Nora V. Calderon

SA March 3 magdidiwan­g ang phenomenal star na si Maine Mendoza ng kanyang 24th birthday at mukhang may maaga siyang matatangga­p na birthday gift.

For the third time kasi ay darating sa bansa ang paborito niyang poet at novelist na si Lang Leav, para sa book signing niya ng latest book nitong Love Looks Pretty On You sa National Book Store sa February 23 at 24.

Noong panahon ng kalyeserye nina Alden Richards at Maine sa Eat Bulaga ay isa si Lang Leav sa madalas magtweet tungkol sa dalawa at inamin niya ang paghanga sa kasikatan nila.

Every now and then, nagtu-tweet pa rin si Lang Leav at ang huli niyang tweet kay Maine ay noong kasagsagan ng showing ng MMFF 2018 movie nila nina Vic Sotto at Coco Martin, ang Jack Em Popoy: The Puliscredi­bles na hinangaan ni Lang Leav ang pagiging strong girl at role model si Maine sa mga kababaihan.

Kaya si Maine naman ang nag-tweet ng isang quotation mula kay Lang Leav: “Don’t stay where you are needed. Go where you are loved. – Lang Leav”

Tiyak na magbibigay ng oras si Maine para ma-meet sa book signing si Lang Leav na awtor ng mga sikat na librong Love & Misadventu­res, Lullabies, Memories The Universe of Us, Sad Girls at Sea of Strangers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines