Bryant, wagi kay Pinoy GM Gomez

Balita - - Sports -

DINAIG ni American International Master John Daniel Bryant si dating solo lider Filipino Grandmaster John Paul Gomez sa final round para magkampeon sa katatapos na 2019 DWP Rapid chess tournament na tinampukang Iloilo Master Invitational na ginanap sa Iloilo City.

Angat si Gomez ng Binan, Laguna ng isang puntos matapos ang penultimate round subalit kinapos kay Bryant sa kanilang top board encounter sa final canto.

Ito ang naging daan kay Bryant para samahan si Gomez sa two-way tie na may parehong 5.0 puntos sa 25 minutes 5 seconds delayed time control format.

Subalit nakamit ni Bryant ang unahang puwesto matapos manalo sa “winner over the other tie break points”. Naibulsa ni Bryant ang P12,000 top purse, habang naiuwi naman ni Gomez ang runner-up prize P9,000.

Magkasalo naman sina Fritz Porras at Ellan Asuela sa ika-3 hanggang ika-4 na puwesto na may tig 4.5 points.

Magka-agapay naman sa ika-5 hanggang ika-7puwesto sina International Master Oliver Dimakiling, Danny Mangao at National Master Emmanuel Emperado na may tig 4.0 points.

Nanguna naman si Marvin Ting sa grupo ng 3.0 pointers na kinabibilangan nina National Master Carlito Lavega, Horizon Villanueva, Alex Provido at National Master Cesar Mariano.

Ang mga nakapasok naman sa top 26 place ay sina Mark Mariano (2.5 points), National Master Francis Jocson (2.5 points), Gil Sormosa (2.5 points), Karlo Britanico (2.0 points), Lloyd Lanciola (2.0 points),

Teddy Berondo (2.0 points), Bernard Gallo (2.0 points),John Franz De Asis (2.0 points), Elmer Britanico (2.0 points), Jesito Barroca (1.0 point) at

Felix Bertobaguyo (1.0 point).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.