Balita

R 3.6-M marijuana, sinunog sa Ilocos

- Liezle Basa Iñigo

SUGPON, Ilocos Sur – Sinunog ng mga awtoridad ang isang plantasyon ng marijuana na nagkakahal­aga ng P3.6 milyon sa Sugpon, Ilocos Sur.

Kabilang sa sinunog ang 3,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at 10, 000 seedlings nito, sa Bgy. Licungan, dakong 7:30 ng umaga.

Sa ulat ng Ilocos Sur Provincial Police Office, sinalakay ng mga operatiba ang nabanggit na plantasyon matapos makatangga­p ng sumbong ng mga concerned citizen.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na isinu-supply ng sindikato ang mga tanim na marijuana sa mga karatig na bayan at sa Metro Manila.

Nagsasagaw­a pa ng imbestigas­yon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakil­anlan ng may-ari ng plantasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines