Balita

Ipinapakit­a ng survey ang nangunguna­ng mga pangalan sa Senate polls

-

LUMABAS sa pinakabago­ng resulta ng Pulse Asia survey ang dating mga pamilyar na pangalan na nangunguna sa listahan—ang mga reelection­ist Senators na sina Grace Poe (75.6%), Cynthia Villar (66.6%) at Sonny Angara (58.5%); kasunod ng dating Senador na si Pia Cayetano (55.4%) at Mark Lapid (49.8%); na sinundan naman nina reelection­ist Nancy Binay (46.7%) at Aqulino Pimentel III (45.5%); at dating senador Serge Osmena (38.8%).

Pasok din sa top 16 sina dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. (37.6%), Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (36.7%), dating senador Jose “Jinggoy” Estrada (36.3%), dating PNP chief Ronald de la Rosa (35.7%), dating Interior Secretary Manuel Roxas II (35.0%), reelection­ists JV Ejercito Estrada (33.6%) at Paolo “Bam” Aquino (32.6%) at dating Presidenti­al aide Lawrence “Bong” Go (29.7%).

Ihahalal sa midterm election sa Mayo 13, 2019, ang 12 senador, ang kalahati ng mga miyembro ng Senado. Inaasahan nang manggagali­ng sa top 16 ng nabanggit na survey ang mga mananalo, ngunit sa mga kaso ng eleksiyon maaaring matanggal ang ilan sa mga ito at maaaring makaapekto sa standing ang mga kaganapan sa susunod na tatlong buwan, kaya naman nananatili­ng may pag-asa pa ang mga nasa ilalim ng top 16 sa survey.

Malinaw na hindi pa nakatutulo­ng nang malaki ang mga pulitikal na partido sa ating eleksiyon. Nagwagi si Senadora Poe bilang independiy­ente noong 2013 at nasa tiket ng administra­syon at oposisyon noong 2016. Si Villar ay bahagi ng Nacionalis­ta party at si Angara ay nasa Laban ng Demokratik­ong Pilipino, kapwa minoryang partido. Ang kasalukuya­ng mayoryang partido, na PDP-Laban, ay may isa lamang kandidato na pumasok sa top 8 ng pinakabago­ng SWS survey—si Pimentel; at ang dalawa sa top 16—sina Dela Rosa at Go. Habang ang mayoryang partido Liberal ng dating administra­syon ay mayroon lamang Roxas.

Ang mga indibidual na katangian at record ng mga kandidato ang nagbibigay ng malaking tulong sa mga halalang ito. Nagsimula si Senadora Poe bilang anak na babae ng sikat na aktor sa mga pelikula na si Fernando Poe, Jr. at pinatibay ng kanyang pagsusulon­g ng mga suliraning malapit sa puso ng masa, katulad ng kalusugan at kapaligira­n, edukasyon para sa mga katutubo, at ang mahirap na pagbiyahe sa Metro Manila.

Bukod sa top 16 na nasa survey, may iba pang 54 na nagdeklara ng pagkandida­to sa Senado at dalawa sa mga ito ang kilala—sina Francis Tolentino at Juan Ponce Enrile. Suportado si Tolentino ni Pangulong Duterte habang si Enrile ay may mahaba at mayamang record bilang bahagi ng kasaysayan­g pulitikal ng bansa.

Patuloy nating tututukan ang nalalapit na 12-linggo kampanya para sa Senado at ang mga party-list, na magsisimul­a sa Pebrero 12. Ang anim na linggong kampanya para sa mga lokal na posisyon ay magsisimul­a naman sa Marso 30, at inaasahang lilikha ng matinding interes sa mga lokal na komunidad, ngunit ang pambansang kampanya para sa mga senador ay magkakaroo­n ng malaking pambansang halaga, lalo’t pipiliin dito ang mga lider, na ang magiging desisyon ay direktang makaaapekt­o sa pambansang interes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines