Balita

Julie Ann sa kanyang love life: Wala muna

- Ni NORA V. CALDERON

INDIRECTLY ay inamin na ni Julie Anne San Jose na break na sila ni Benjamin Alves noon pang nakaraang taon. Balitang sa Guam nga nagpalipas ng holiday season si Benjamin.

Sa pocket press interview nitong Huwebes para sa The Sweetheart and the Balladeer:

Fun Night Only concert nila ni Christian Bautista, natanong si Julie

Anne tungkol sa kanyang priorities ngayong 2019, at sinabi niyang hindi niya prioridad sa ngayon ang kanyang love life.

“Wala muna, darating tayo diyan,” sabi ni Julie Anne, na una nang kinumpirma sa isang panayam na “single” siya ngayon.

Bago natapos ang 2018 ay nag-post si Julie Anne sa kanyang Instagram:

“I had a rollercoas­ter year. It wasn’t bad, it was actually pretty good. 2018 for me was about staying afloat – all the ups and downs, losses and failures – I guess that’s the beauty of life. Just grateful for the moments that gave me gentle lessons; humbled by the times that rattled my bones.

“Who knows what next year holds? Let’s smash 2019.” Sa pagpasok ng 2019, marami nang assignment­s si Julie Anne sa kanyang home network. Bukod sa tuloy pa rin siya every Sunday sa noontime variety show na Sunday PinaSaya at sa evening musical show na Studio 7, sunudsunod din ang promotion niya ng bago niyang album sa Universal Records.

This month ay tuloy na ang concert niya sa mga lalawigan. Sa first leg of The

Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only ay sa January 27 ito gagawin sa Iloilo Convention Center, Mandurriao, Iloilo City. Makakasama nila ni Christian si Golden Cañedo, ang The Clash Grand Champion.

Susundan ito ng isa pang concert sa February 10 sa The Atrium, Limketkai Center, Lapasan, Cagayan de Oro. Si Josh Adornado naman, The

Clash finalist, ang makakasama nila rito.

Sa rami ng work ngayon ni Julie Anne, magkaroon pa kaya siya ng time para muling makagawa ng isa pang teleserye, tulad ng request ng fans niya?

 ??  ?? Julie
Julie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines