Balita

Barbie at Mika, gaano kahirap ang mga eksena sa ‘Kara Mia’?

- Nora V. Calderon

KINAIINIPA­N na ng mga netizens ang muling pagsasama nina Barbie Forteza at Mika dela

Cruz, na unang nagkatraba­ho sa romantic-comedy series na Meant To Be.

Pero sa nasabing serye ay magkalaban ang character nila dahil insecure kay Barbie ang character ni Mika sa story.

Pero ngayon, gaganap silang magkapatid sa

Kara Mia. Kambal sila sa serye, na based sa true story sa India, na mayroon ding urban legend sa Great Britain.

Nang i-offer pa lang kina Barbie at Mika ang roles nila at ikinuwento ang story ay na-excite na ang dalawa. Sa story, kambal nga sina

Kara (Barbie) at Mia (Mika) na isinilang na may Disprosopu­s or craniofaci­al duplicatio­n, isang congenital defect na dalawa ang mukha nila pero iisa lang ang katawan.

Kaya nga ang mga netizens, nang mapanood ang teaser ng serye ay napatanong kung paano nangyari na dalawa ang mukha nila, pero isa lang ang katawan? Based sa teaser, makikita na kapag nakaharap si Barbie, siya si Kara at kapag inalis niya ang belo niya, lumilitaw ang mukha ni Mia (Mika) na nasa likod niya.

Kahit mismong sina Barbie at Mika ay nacurious kung paano ie-execute ang mga eksena nila. “Pero nang magsimula na po kaming mag-taping, naintindih­an na namin ang story at nasanay na kami sa character namin,” sabi ni Barbie. “Kaya excited kami lagi ni Mika kapag taping na namin.” Nang tanungin kung mahirap gawin ang mga eksena nila, kapwa ngumiti lang sina Barbie at Mika. Panoorin na lang daw kapag ipinalabas na ang Kara Mia sa primetime block ng GMA 7 next month.

Pero ang isa pang kaabangaba­ng, paano kapag nagmahal na sina Kara at Mia? Makakatamb­al ni Barbie sa serye ang real life boyfriend niyang si Jak Roberto, at first teleserye naman ito ni Paul Salas sa pagbabalik niya sa Kapuso Network, bilang katambal ni Mika.

 ??  ?? Mika at Barbie
Mika at Barbie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines